The Top Ten Signs That You’re Watching A Pinoy Movie

1. Silven -Kapag yung sound effect ng suntukan, parang pakwan na dini-dribble.
2. MUARISSA - Yung kontrabida yayakap sa bida, sabay taas ng kilay at ngingisi.
3. Jedi Mstr/Frenchboy - In a Pinoy cowboy movie, when the bida is shootng at the indians, he never runs out of bullets. But once it’s the contrabida, he suddenly runs out of bullets so they have to have a fist fight!
4. Ibyang - Pag may magkaribal na babae, yung mabait diretcho ang buhok at may bangs. Yung salbahe, laging kulot.
5. John Rich/Shark - Sa pinoy action movies, ang bida hindi nauubusan ng bala.
6. John Rich - Sa pinoy action movies, kapag tumakbo ang bida, sa lupa lahat ang tama ng bala ng kalaban.
7. No name - Kapag may angry mob na pupunta sa bahaykubo ng manananggal, si Vangie Labalan ang laging lider.
8. No name - Alam mong moment of truth na ng bida kapag sinabi na niya yung title ng pelikula.
9. No name - Sasayaw sa likod ng puno ng buko pag nasa beach yung scene. Alternate pa yung mga ulo nila.
10. Joey Tribbiani - Yung nakababatang kapatid ng bida habang naglalaro ng bola, mabibitawan at mapupunta sa gitna ng kalsada. Tapos may darating na sasakyan, tapos itutulak siya ng bida. Yung bida naman ang nasa gita ng kalsada. Biglang may sasakyang darating. Ang bida, ico-cross lang niya arms niya covering his face tapos sisigaw yung kapatd ng ‘kuyaaa!’. Next scene nasa ospital na sila. Simula na ng drama.
11. Pasti - Kapag bakbakan, hindi nasasaktan ang bida, pero umaaray siya pag ginagamot na siya ng leading lady, at kasunod na ang love scene.
12. No name - Kapag may sinabi ng kontrabida ang masama niyang plano sa bida, ang sasabihin ng bida: “hayop ka!”
13. Dreamweaver - Ang bidang babae, pag katulong ang role, siguradong magiging anak ng amo niya sa ending.
14. Jose De Vengenge - Laging sa Fairview pag may car chase scene.
15. prettywhenpinched - Ang nanay ng mayaman laging may pamaypay na pangmayaman, at ang nanay ng mahirap laging naka duster.
16. Tracey/Lexy - Ang mga bida sa drama, pag nakatanggap ng masamang balita, laging may pinto sa likod nila para puwede silang sumandal habang nagsa-slide dahan-dahan pababa, tapos todo iyak with matching uhog.
17. No name - In a love triangle, the less popular actor of the 2 vying for the leading lady, will either die, go to prison, go abroad, or gives in na lang.
18. Jack Borrowing - Pag di nahuli ng mga goons ang bida, sasabihin ng boss sa kanila, “Mga inutil!”
19. Espong - Sa comedy movie pag may patay, laging may bulak sa ilong.
20. Lilith - Laging mas maganda ang yayang bida kesa sa kontrabidang anak ng amo niya.
21. Jose de vengenge - Ang tawag ng kontrabida sa mga goons niya, “Mga bata.”
22. Avatar- Pag ang ending ng movie ay song and dance number sa beach o resort, ang huling frame, tatalon ang buong cast…sabay freeze.
23. Jun13/Your Highness - Laging nakakapulot ng baril na may bala ang bida kapag kinakailangan niya.
24. Jinky Doo - Sa pinoy movie, after the rape scene, makikita mong naka-panty pa rin ang biktima.
25. Jerome - Ang hideout ng kontrabida, parating mansion na may chicks sa pool.
26. Super tikoy - Pag horror movie, yung mga halimaw parang gawa sa gulaman.
27. Jose de vengenge - Pag car chase scene, laging may mababangga na patong-patong na kahon, o kaya kariton, o kaya fruitstand.
28. Your Highness - Marunong gumamit ng baril at asintado ang leading lady, kahit unang bese palang siya nakakahawak nito sa buong buhay niya!
29. The Dark Passenger - Pag Seiko Films during the late 80’s/early 90’s, laging may kanta ng Michael Learns To Rock.
30. Glenneth - Ang pancit, nagdadala ng malas. Uuwi ang bida na may dalang pancit sa kanyang nanay na si Anita Linda. Tatawagin nito ang mga bata para kumain, at kakamustahin ng bida ang pag-aaral habang kumakain ng pancit. Biglang may titigil na sasakyan sa harap ng bahay at pauulanan ng baril ang pamilya! Mamamatay si Anita Linda, at sisigaw ang bida ng “Inaaay!” at mangangakong ipaghihiganti ito. Moral lesson: Ang pancit, nakakamatay.

0 comments:

Post a Comment

About Me

My photo
I don`t like standard beauty.There is no beauty without strangeness.:-)
John`s World One Line Description Avatar Logo I enjoy Philippines with all its wonders. We are rich in cultures and traditions, from foods,music and of course the filipino lifestyle. We`re one of the most talented country in the whole world,and we excel in different fields of talents. Philippines have lots of hidden beauties, awaits for all of us to see,and that`s why I`m very proud to be a Filipino.

Blogger Buster LogoSmashing Logo© John`s World.